KWENTO Ni NANAY
"Walk on through the wind, Walk on through the rain
For your dreams are tossed and blown
Walk on, Walk on with hope in your heart
And you'll never walk alone." - Rodgers & Hammerstein
You'll never walk alone
January-February 2014
Pagsapit ng bagong taon, lagi nating naiisip na panahon ito ng pagbabagong buhay at may bago ring pag-asa. Masaya ang ating pagsalubong ng Pasko dahil ito ay ang “first coming of our Lord” at ito rin ang advent season or tawag nilang “season for waiting.”
Katuwaan naman sa iba ang “season of waiting” daw ay ang waiting for gifts, waiting for bonus. Grabe ang pagiging masinop at paspasan sa paglinis, pagluto at paghanda ng masasarap na pagkain kapag alam natin na meron tayong bisitang darating sa bahay. Ano pa kaya kung si Baby Jesus. Kailangan tayong maglinis, maghanda ng masasarap na pagkain sa pamamagitan ng paghanda ng ating mga puso at sa pagkakaroon ng mabuting asal sa ating kapwa.
Nito lang nakaraang Nobyembre 8, 2013, malupit na bagyo ang sumalubong sa ating bansa sa lugar ng Visayas. Libu-libong mga tao ang namatay, nawawala at mga survivors na teribleng nasugatan ng dahil sa trahedyang ito. May mga senyales nga bang ipanahihiwatig sa atin ang mahal na Jesus? Senyales na kailangan ng mga Pinoy na ibago at itama?
Ang tanong ng marami ay, “Bakit sa Pilipinas?” Lumalabas sa ating puso ang pagiging matulungin at malasakit sa ibang kapwa Pilipino tuwing may malaking crisis o trahedyang dumarating sa ating bansa. Doon din natin nakikita ang pagkakaisa at sabay sabay binabangon ng mga tao ang anumang nawalan nila sa buhay: bahay at mga ari-arian o maging mga binawiang buhay na pamilya o kamag- anak. May kasabihan daw, “There are blessings in the storm.” Sabi naman ng marami, “The strongest storm on earth strucked the strongest people on earth the Filipinos.”
Dahil tayo ba ay PILI na chosen ones? At tayo pa ay PINO pa-refined ones? Kaya tayo ay PILI na, PINO pa or the modern chosen Israelites. Marunong daw magdala ng problema ang mga Pinoy kahit malaking trahedya pa ito. Pag dumating ang bagyo sa buhay ng mga Pinoy sige lang at alam nilang on the road ang MMGA (Mama Mary & Guardian Angel). Nakikita ko na pagkatapos ng super typhoon Yolanda ay lalo tayong mag-niningning na Perlas ng Silanganan. Kaya babangon ang Visayas. Babangon ang Pilipinas. At babangon ang mga Pilipino!
No comments:
Post a Comment