Wednesday, January 29, 2014

Isabelita Manalastas -Watanabe

ADVICE NI TITA LITA



Take It Or Leave It! Send questions to:
jeepneymail@yahoo.com

January-February 2014

Dear Tita Lita,
Bakit po every time na lagi akong umuwi sa Pilipinas, lagi ako ang taya? Kakain kami ng aking mga pamilya, mahigit sampo kami sa mesa, inaasahan nila na ako ang magbabayad. Lalabas kami ng aking mga dating high school classmates at college mates, ako pa rin ang taya. Iinom kami ng aking mga kabarkada, ako na naman ang taya. Gumastos na nga ako ng pamasahe sa eroplano, mga omiyage nila from Japan, gagastos pa rin sa shopping at lakad-lakad sa Pinas. Pati pang- shopping ng pamilya ko, ako pa rin ang gagastos. Paano po ba ako makaka-relax sa Pinas kung tumataas ang blood pressure ko sa super dami ng gastos? Butas na po ang wallet ko. At kung laging ganyan na lamang, sa susunod, baka pati bagong wallet, hindi ko na rin kayang bilhin.
Joey

Dear Joey:

Hindi ko napigilan ang tawa ko noong mabasa ko ang katanungan mo.  Hindi ka nag-iisa!  Palagay ko, hindi lang sa hindi ka nag-iisa, lahat tayong mga umuuwi, lalo na kapag December/Christmas season, ay pareho ang himutok. Butas-na-butas ang bulsa, at talaga namang stressful.

Napansin din iyan ng asawa kong Hapon.  Bakit nga daw kapag kinokontak niya ang kanyang mga kaibigan sa Pilipinas na Pilipino at mag-de-decide mag-reunion at kakain, ay walang bumubunot.  So siya palagi ang taya.

Ang ginagawa ko ngayon, hindi na lang ako nagdadala ng pasalubong from Japan.  Dito sa Japan, wala halos mabibili ang JPY 1,000, pero sa pera natin, mahigit na itong apat na raang piso – hindi maliit na halaga sa atin. So iyong hindi ko ibo-blow out, binibigyan ko na lang ng pera.

Best na huwag kang mangumbidang kumain sa labas, kung hindi ka prepared na ikaw ang magbabayad.  Or kung masakit sa loob mo. Pero palagay ko, kahit minsan lang, imbitahin mong kumain sa labas ang pamilya mo, tapos, tapos na!

Iyong mga former classsmates naman, ang ginagawa ko naman, ay sa bahay ko na lang ini-imbita, parang reunion baga. Tapos, order na lang ako ng palabok at soft drinks, ayos na.  Hindi masyadong magastos, pero nagkita-kita rin naman. Huwag ka ng magpa-beer – sabihin mo na lang, nag-umpisa ka ng mag-healthy diet para humaba-haba pa ang inyong pag-re-reunion taon-taon, or kung kailan ka man mauwi sa atin.

At kapag nag-blow out ka, dapat maluwag sa loob mo.  Otherwise, walang grasya iyon. Isipin mo na lang, na mas maswerte ka kaysa sa marami na nasa atin.  At babalik at babalik din naman sa iyo ang grasyang binibigay mo ng maluwag sa iyong kalooban, in some other ways.

Tita Lita


Dear Tita Lita,
Isa po akong trainee dito sa Aichi-ken. Mahaba po ang oras namin sa trabaho at mababa rin ang sweldo. Engineer po ako sa Pilipinas na kinuha dito para maging "trainee" daw. Pero ang trabaho po namin ay parang sa mga factory worker lang po. Gusto ko pong malaman kung anu-ano ang mga paraan kung paano ma-change ang visa ko to working visa at kung paano makahanap ng ibang kumpanya. Meron po ba kayong advice? Maraming salamat po.
Teddy

Dear Teddy:

Marami na rin akong narinig na complaint na katulad ng inilahad mo sa iyong sulat. Maganda actually ang intensiyon ng bansang Hapon noong ginawa nila ang law para makapunta dito sa Japan ang mga trainees na katulad mo.  Dapat talaga sana, trainee.  Kaya lang, may mga kumpanya dito na siguro nga ay inaabuso ang sistema para makakuha sila, in effect, ng cheap labor. Meaning, hindi talaga trainee in the real sense of the word, kundi iyon nga, cheap labor.

Kung mayroon kang maha-hanap na magha-hire sa iyo dito sa Japan, ang company na iyon ang mag-a-apply ng iyong “Certificate of Eligibility”.    Pwede kang mag-download ng information/requirement documents to be filled up from the Japanese immigration home page. Madali ang mga documents na kailangan sa iyo (resume; proof na university graduate ka; copy of passport; filled-in application form.  Iyong mag-i-sponsor sa iyo, mas mabigat ang mga required documents:  signed employment contract mo; copy of the company’s Toukibo Touhon (company registration) issued during the past 3 months on the date that they will file the sponsorship documents; proof of company’s corporate tax payment; guarantee letter; and signed application documents, etc.).

Dapat ka ding umuwi muna at maghintay ng approval.  Kapag nakatanggap ka na ng Certificate of Eligibilty from the Japanese immigration office/Ministry of Justice, pumunta sa Japanese Embassy, dala ang iyong passport, at pwede ng i-issue ang visa mo.  Once visa is stamped in your passport, you have to leave within 90 days of stamping of your visa in your passport and enter Japan.

Goodluck!
Tita Lita
Dear Tita Lita,
Sumulat po ako dahil kailangan ko po ng payo tungkol sa aking buhay. Gusto ko na pong hiwalayan ang aking asawang Hapon. Matagal na po kaming hindi nagsasamang matulog. Meron siyang sariling kuwarto sa bahay. Ako po, doon sa sala na lang natutulog. Hindi naman po niya ako binubugbog tulad ng iba. Binibigyan din po niya ako ng konting pera na pang gastos sa bahay at pagkain. Madalas, hindi po siya umuuwi sa bahay. Sabi po ng ibang kaibigan ko, nakita siya na meron kasamang ibang babae. Mahigit 40 taong gulang na po ako. Hindi po tapos sa pag-aaral sa college at walang karanasan sa trabaho. Hindi rin po ako magaling mag-Hapon. Talento po ako dati bago po ako kinasal sa kanya. Wala po kaming anak. Nalilito po ako kung ano ang magandang gawin. Ano po ang magandang payo ninyo sa akin?
Linda

Dear Linda:

Kung may kahit kaunti ka pang pagmamahal sa asawa mo, i-try mong i-repair pa ang pagsasama.  Kung talento ka noon, siguradong maganda ka. Dapat i-maintain mo ang iyong pagiging attractive para maakit mo ulit ang kanyang atensiyon. Sa inyong sex life, hindi masamang ikaw ang mag-initiate ng move.  Kasi kung wala na kayong sex life, magiging marupok na ang attention niya sa iyo.  Kung wala kang trabaho, at wala namang anak na inaasikaso, edi ang dami ng iyong spare time?  Magpaganda ka, mag-stay slim, mag-aral ng Japanese (inquire from your Kuyakusho kung may mga libreng lessons), at pagbutihin mo rin ang pagsilbi at pagkarinyo sa iyong asawa.

Huwag kang papayag na mag-divorce kayo, dahil kung hindi, automatic, mawawalan ka ng visa (unless permanent resident na ang visa mo sa Japan).

Tita Lita


Dear Tita Lita,
Gusto ko po sanang dalhin ang mga magulang ko dito para dito na sila tumira at mamalagi at para ma-antabayanan ko sila sa kanilang pagtanda. Pwede po kaya yon? At pwede po ba silang maging mga dependents ko para under sila sa aking insurance? Isa po akong permanent resident sa Japan.
Lorie

Dear Lorie:

Mayroon na akong nai-advice noon na similar ang tanong sa akin. Sure, you can apply to have your parents stay with you.  Ang dami mo lang dadaanang butas.  Ako noon, hindi na-approve, kahit na maganda ang trabaho ko sa Japan at kayang-kayang suportahan ko ang mga magulang ko kung titira sila sa akin. Ang reason:  may iba pa akong mga kapatid doon sa atin, at ang sabi ng nag-interview sa akin, e di suportahan ko na lang ang mga magulang ko, in the form of sending monetary support sa kanila, kasi mayroon naman daw na mag-aalaga doon sa kanila na mga ibang anak nila. Baka kung solo kang anak ay mas malaki chance mo.

Check the hompage of the immigration office for the various requirements.

(Note: Iyong mga magulang ng mga Pinoy sa America, karamihan, ayaw doon.  Kasi  confined sila sa loob ng bahay (dahil nga car society doon, at palaging kailangang mag-drive kung may pupuntahan kahit grocery shopping lang).  Sa Japan, hindi siguro maiinip ang mga magulang mo kasi maraming makikita kahit bumaba lang sa apartment/bahay mo).

Tita Lita
Dear Tita Lita,
Hindi po kami magkasundo ng aking mga biyenang Hapon. Hindi po kami magkasama sa bahay ngunit araw-araw ay nandito sila sa bahay dahil kapit-bahay po namin sila. Mababa na ang tingin nila sa akin dahil isa akong Pilipina, isang dayuhan at masama pa ang pagtungo nila sa akin. Bago pa po kami kinasal, kumontra na sila sa amin. Pero buntis na po ako kaya walang magawa at pinakasalan ako ng asawa ko. Ang aking asawa ay isang mama's boy. Hindi kami magkasundo ng kanyang nanay. Lagi niyang kino-kontra ang mga sinasabi ko. Napaka-URUSAI po niya sa akin. Laging merong nakikita. Puro pintas na lamang ang kanyang bibig sa akin. Minsan, hindi ko na lang pinapansin. Minsan, naiiyak na lamang ako. Minsan, talagang inaaway ko siya. Sinisiraan po niya ako sa aking dalawang anak. Hindi raw po ako ulirang ina. Pero ang feeling ko, mas pipiliin ng asawa ko ang nanay niya kesa sa akin na asawa niya. Liligaya pa ba kaya ako sa aking dinaranas dito sa Japan?
Claire

Dear Claire:

Buti na lang at hindi kayo magkakasama sa isang bahay!  Kundi, kahit matutulog na lang kayo, nandiyan pa rin ang urusai mong biyenan, at pagkagising mo, kita mo na rin kaagad mukha niya at sira na ang araw mo.  Pasalamat ka na rin at may sarili kayong bahay, kahit punta pa ng punta diyan sa inyo.

Itong mga anak mo, hindi ko alam kung anong edad na sila.  Kasi, kahit ano pa ang paninirang gawin ng biyenan mo sa iyo sa iyong mga anak, kung ikaw ang nagpalaki sa mga bata at naramdaman nila ang iyong pagmamahal sa kanila from the start na pinagbubuntis mo sa kanila, hanggang isinilang mo at  hanggang lumaki na sila, hindi sila mag-iiba ng tingin sa iyo at ikaw ang kanilang mas higit na mamahalin at paniniwalaan.

Kung mahal mo ang iyong asawa at siguradong mahal-na-mahal mo ang iyong mga anak, makakapagtiis ka sa masamang trato ng biyenan mo sa iyo.  At sigurado ako, in the end, ikaw ang mananalo.

May kaibigan akong Pilipina na ang asawa ay Hapon din. Hindi rin sila magkasama ng bahay ng biyenan niya, pero nasa upper floor lang ng mansion ang biyenan nakatira. Sobra ka-salbahe. Minsan, nasa ibaba ng mansion ang kaibigan kong Pilipina, binuhusan ba naman ng tubig from the veranda ng mansion ng kanyang biyenan.  Isa lamang sa napakara-ming pang-aapi na dinanas niya sa kamay ng kanyang bruhang biyenan. Pero si santang kaibigan ay nagtiis dahil love niya ang asawang Hapon at ang kanilang nag-iisang anak.  Noong magkasakit si biyenan, pinagluluto siya ng kaibigan kong Pinay at nag-offer tumulong for anything – grocery shopping, etc.  In the end, hayun, sobrang pagmamahal ang isinukli ni biyenan, at ang ganda-ganda na ng kanilang relationship.

Mahirap ipag-pray ang isang taong galit ka.  Pero kung magawa mo, ipag-pray mo na sana, mag-change for the better si mother-in-law mo, at isama mo na rin sa prayers mo, for the Lord to give you strength to continue being good kahit inaapi ka niya.

All the best to you, Claire.

Tita Lita







No comments:

Post a Comment