Wednesday, January 29, 2014

Loleng Ramos

KAPATIRAN
The 12 Days Of Christmas At Ang Bayan Ko




November-December 2013

Maligayang Pasko, Kapatid!  Ano ang Christmas wish mo ngayong taon? Madami ba?  Ako din at ngayong taon, kasama ang Pilipinas.

Ang christmas carol na “The Twelve Days of Christmas” ay nagbigay sa akin ng inspirasyon.  Parang walang saysay ang lyrics pero ang katotohanan napakalalim ng ibig sabihin nito.  Ang haring si Henry 8th ng England ay hindi maaaring mabigyan ng diborsyo ng simbahang Katoliko noong kanyang kapanahunan kaya nagtatag siya ng kanyang sariling relihiyon kung saan siya rin ang hari, ang Church of England.  Pinarusahan niya at tinusig ang lahat ng mga katolikong hindi pumanig sa kanya.  Kinatha ang kantang ito upang maituro sa mga kabataan ang doktrina ng mga Katoliko, na nakatago sa mga titik.

On the first day of Christmas, my true love sent to me, a partridge in a pear tree.
My True Love = ang Mahal na Diyos Ama, ang ibong partridge ay ang Panginoong Hesu Kristo, ang pear tree ay ang Krus.

Malimit akong magmasid sa mga bata na malayang nakakapag-aral dito sa Japan.  Ilan na bang t.v. show ang nagpakita na isang buong eskwelahan at ang sambuuan ng mga guro ay nagtuturo sa isa o iilang bata lamang na nakarehistro sa pook kung nasaan ang eskwelahan na iyon.

1. “Sana sa Pilipinas din, lahat ng mga bata ay nakakapag-aral, may libreng pagkain at tinatamasa ang lahat ng kasiyahan ng pagiging isang bata.”

On the second day of Christmas, my true love sent to me,
Two turtle doves = Old Testament at New Testament.

Napakalaki ng agwat ng mayayaman sa mahihirap sa Pilipinas. Ni hindi nila alam ang mga nakakagimbal na bagay na nangyayari sa mga taong sobra ang hirap sa buhay.  Ayon kay Fr. Shay Cullen ng PREDA Foundation, sa maraming bilibid sa Metro Manila, maraming bata ang kinukulong kasama ng mga matatanda.  Karamihan sa mga ito ay  pinilit lamang na umamin sa krimen na gawa ng isang matanda.

2. “Sana makita natin na hindi man natin kamag anak, sa kahit na sinong bata, ang matatanda ay may tungkulin na ito ay proteksyunan at ingatan.”

On the third day of Christmas, my true love sent to me,
Three French hens = pananampalataya, pag-asa, pagka-maawain sa kapwa (Faith, Hope, Charity  3 theological virtues o kalinisang puri.)

Sa bawat bansa na lang yata, ang gubyerno ay corrupt pero sa Pilipinas, sukdulan!  Marami sa mga politician at mga galamay nila ay ginagawa ang lahat ng krimen para maka-upo at manatili sa pwesto, hawakan ang kapangyarihan at lumikom ng yaman.  Alam kaya nila na ang kapalit ng pwestong iyon ay ang kanilang kaluluwa?

3. “Sana ang bawat isa sa ating gubyerno ay gumagawa ng kanilang  tungkulin na pangalagaan at mahalin ang Inang Bayan at ang bawat mamamayan.”

On the fourth day of Christmas, my true love sent to me,
Four collie/calling birds = St. Mark, St. Matthew, St. John, St. Luke (Sila ang mga ebanghelyong sumulat ng mga libro sa New Testament).

Dito, ang buong bansa ay may sistema sa lahat ng bagay, may respeto sa bawat hanap buhay.  Kapag dumadaan na ang garbage truck, pinapanood ko ang mga basurero, kahit sa Summer, malinis sila, may gwantes ang mga kamay, may takip ang mga bibig at ilong, syempre pa ang destinasyon nila ay hindi isang Smokey Mountain o Payatas.

4. “Pangarap ko ito sa Pilipinas na ang bawat tao ay may dignidad, ang bawat trabaho ay may importansya.  Sana din, lahat ng Pilipino ay maaring makapag trabaho ng disente at maitaguyod ang kanilang mga pamilya.”

On the fifth day of Christmas, my true love sent to me,
Five Golden Rings = Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, Deuteronomy
(Ito ang limang unang libro sa Old Testament).

Ang daming libro sa Japan, lahat ng tao marunong magbasa, lahat din yata mahilig magbasa.

5. “Gusto ko ito mangyari sa Pilipinas, na ang lahat ay marunong magbasa.  Hindi lamang ang mga nasa mataas na lipunan.  Sana rin, madali para sa lahat ang makapag basa ng mga librong merong magandang aral at hindi mga porn materials na mas madaling mahawakan sa mga lugar na hindi mataas ang napag-aralan ng mga tao.”

On the 6th day of Christmas, my true love sent to me,
Six geese a laying = ang anim ng araw ng paglikha ng Diyos sa mundo.

Ang mga mahihirap lalo na ang mga nasa slum areas ay kailangang magtrabaho araw-araw para may makain.  Alam man nila na ang Diyos ay nagpahinga sa ika-pitong araw, wala silang makakain kapag hindi sila kumilos.

6. “Sana masolusyunan ang kahirapan sa Pilipinas.  Kung mababawasan lang ang poverty sa ating bayan, bababa din o mawawala din ang taas ng krimen.”

On the 7th day of Christmas, my true love sent to me,
Seven swans a swimming = 7 gifts of the Holy Spirit
1 Wisdom- Talino
2 Understanding – Pang-unawa
3 Counsel – Payo
4 Knowledge – Kaalaman
5 Fortitude –Tibay ng Loob
6 Piety – Paggalang at pagmababang-loob
7 Fear of the Lord – Takot sa Diyos

Mabait daw ang Pinoy.  Naniniwala ka ba dyan?  Syempre naman pero bakit kaya ang taas ng crime rate sa Pilipinas ngayon?  Sobrang kahirapan! Marami sa ating mga kapatid ang nawawala sa tamang landas at kapag nagkamali minsan, mas malimit na tuloy tuloy na ito.

7. “Buhayin natin ang mga regalong ito ng Banal na Espiritu Santo,  may magagawa tayo para sa ating kapwang nanga-ngailangan.”

Ang kabuuan ng Cathechism song o Christmas carol na ito:
On the Twelfth day of Christmas, my true love sent to me:
Eight maids a-milking =
8 Beatitudes
Nine ladies dancing =
9 ng Bunga ng Banal na Espiritu Santo
Ten lords a-leaping =
10 Utos ng Diyos
Eleven pipers piping =
11 tapat na disipulo ng Panginoong Hesu Kristo
Twelve drummers drumming = 12 doktrina ng Apostle’s Creed

Medyo kapus na ang papel para maisa-isa natin ang tenets of faith na nakatago sa 7-12 na presents ng our True Love, sa 2014 aralin natin.

Merry Christmas, Kapatid! Sana matupad lahat ng Christmas wishes natin.

No comments:

Post a Comment