Shoganai: Gaijin Life
Pilipinas: Miyembro
ng Global Community
January-February 2014
In the wake of the recent devastation in the Philippines, 2014 is a year to reflect on the past, and to look toward the future with a new perception of what could be. Sa madaling salita po, dapat matuto tayo sa nakaraan, at maging bukas ang mga mata natin sa posibilidad ng mas maayos na kinabukasan.
Maraming nagsasabi na hindi daw maayos na hinarap ng gobyerno ang sitwasyon ng mga nabiktima ng Bagyong Yolanda. Panay ang batikos, kaliwa-kanan, puro batikos. Pero kung mapapansin ninyo, maraming mga organisasyon ang totoong tumulong, na hanggang ngayon ay tumutulong pa rin. Ang mga organisasyong ito ay halong Pilipino at dayuhan, at isang magandang ehemplo ng totoong international cooperation. Dito nakita na sa kadahilanan ng mga social networks, online access to news at mga instant means of communication, totoong global community na nga ang mundo. At dahil sa global community na nga, hindi na rin nagtatagal, o lumalaganap ang mga mentalidad na mapagsamantala sa mga kapwa tao. Kung noon, maaring pagkakitaan ang disaster na nangyari sa Pilipinas, ngayon, agad-agad nakikita ang mga mapagsamantala, at naibabalita agad sa buong mundo. Isa na rin itong paraan para hindi mapagsamantalahan ang mga bikitima ng iba’t-ibang mga disaster.
Napansin ko rin na dahil sa tayo ay miyembro ng global community, ang mga organisas-yong totoong tumutulong at hindi nagyayabang, hindi naghahanap ng “photo-op,” kundi, tahimik lang na tumutulong, at ibang tao ang naglalagay ng mga gawain nila online. Ika nga ng bibliya, true charity is silent. So, let us silently help, and pray for the people in the Yolanda affected areas.
Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng tumulong at patuloy na tumutulong sa mga kapwa kong Pilipino, at nakakataba ng puso na maraming mga hindi naman Pilipino, at nagpapakita ng concern at pagnanais na makatulong. Totoong naramdaman ko ang pagiging kasapi ng isang global community.
Bagama’t bago na ang taon, marami pa rin tayong mga lumang problema na dapat hanapan ng solusyon. Sana itong 2014, hindi natin makalimutan ang mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong, at hindi rin natin makalimutan na tayong lahat, ay kasama sa mas malaking komunidad, hindi lamang bilang mga Pilipino, kundi bilang mga mamamayan ng mundo.
No comments:
Post a Comment