Ano Ne!
Pag-ibig: Madaling Dayain
Pero Mahirap Itago
November-December 2013
Paano mo ba masasabi kung ikaw ay umiibig na? Ayon sa iba, madaling dayain pero napakahirap itago ang totoong pagmamahal. Sabi ng iba malalaman mo na in-love ka na, kapag ang lagi mo ng iniisip yung hindi lang "ako" kundi "tayo." In-love ka pag parang lagi mo syang na mi-miss at palagi kang nag-aalala sa kanya. Yung tipong parang sya na lang lagi ang laman ng isip mo.
Naranasan mo na bang umibig ng lihim? Ang hirap pala ng ganito. Yung parang hindi ka mapakali at hindi mo alam kung paano mo itatago yung nararamdaman mo. Parang pakiramdam mo kapag magkasama kayo ay sobrang lakas ng kaba at kabog ng puso mo at nag-aalala kang baka marinig nya ito.
Nagsimula sa lagi kayong magkasama sa mga lakad. Sa mga kasiyahan at biruan, hanggang sa unti-unti, hindi mo na pala namamalayan na nahuhulog na kayo sa isa't-isa.
Ganyan ang nangyari sa isa kong matalik na kaibigan. Hindi nya alam ang gagawin nya. Dahil iniingatan niya ang kanilang samahan bilang mag best friend. Takot siyang ipaalam ito dahil baka maka apekto sa kanila at maging dahilan ng paglalayo nila sa isa't-isa.
May mga oras na nagseselos siya kapag may ibang nakakasama na kaibigan o ka tropa ang bestfriend niya. Pero hindi nya pwedeng ipakita iyon dahil magmumukha siyang
selfish. Unang-una wala siyang right para magselos dahil wala naman silang relasyon. Kaya kahit parang kinukurot ang puso niya sa tuwing may kasamang iba ang kanyang best friend ay tinitiis na lamang niya ito. Basta ang iniisip na lang nya ay makuntento na palagi niya rin itong nakakasama.
Nakuntento na lamang sya sa ganoong sitwasyon. Lihim na nagmamahal. Ngunit hindi niya batid kung hanggang saan nya kakayanin itago ang nararamdaman nya. Hanggang, isang araw dumating sa point na hindi na niya kayang itago ito kaya tinawagan niya ang kanyang bestfriend para ipagtapat dito ang tunay niyang nararamdaman.
Girl: Hello, pwede ba kitang makausap? May sasabihin sana ako sa yo.
Boy: Ako din, may gusto akong sabihin sa yo.
Nagkita sila sa kanilang tambayan. Malayo pa lang tanaw niya na ang kanyang bestfriend ngunit hindi lang sya dahil may kasama pa itong isang babae.
Boy: Hi best, musta ka na? Eto yung gusto kong sabihin sa yo. In a relationship na kami gusto ko kasi ikaw ang unang makaalam.
Girl: Hmm~~~ ahh~~ gganoon ba?~~~. Congrats!
Boy: Eh ikaw best, ano naman ang sasabihin mo sa akin?
Girl: Ah~~~ yon ba? Wala lang. Gusto lang sana magsabi sa yo na lalayo na ako. (Hindi na niya nasabi ang totoong pakay). Agad siyang umalis upang hindi makita ng kanyang bestfriend ang pag-patak ng mga luha sa kanyang mga mata.
Hindi na niya naipagtapat ang kanyang damdamin para ka kanyang bestfriend dahil na late na siya. Mayroon na itong ka relasyon at ayaw niyang makagulo pa. Minabuti na lang niya lumayo na lang at makalimot. Sobrang sakit ang naramdaman niya.
Mga kapatid at kaibigan, sa story na aking ibinahagi sa inyo, isa lamang ang ibig sabihin nito. Totoong mahirap pigilin ang nararamdaman ng ating puso. Kung kaya naman ipagtapat kaagad at sabihin mo para hindi ka magsisi sa huli at maunahan ng iba?
Babae man o lalake ay maaring ipahayag kung ano ang nilalaman ng inyong mga puso. Mabigo ka man o hindi. Ang mahalaga ay sinubukan mo ng mas maaga. Nang sa gayon hindi ka maunahan ng iba. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi.
Muli, maraming salamat uli sa inyong walang sawang pagbasa ng ating pahayagan na ito. God bless us all. Advance Merry Christmas and Happy New Year!
No comments:
Post a Comment