Wednesday, January 29, 2014

Jasmin Vasquez

Ano Ne!
Pagkakaisa at Pagtutulungan ng Bawat Pilipino sa Nagano




September-October 2013

Noong nakaraang July 13, 2013, ang Nagano Prefecture ay nagkaroon po ng isang Consular Mission na ginanap sa Monzen Plaza B1 sa Nagano City. Halos taun-taon ay nagkakaroon kami ng ganitong gawain sa tulong ng ating Philippine Embassy at ng mga volunteers upang matulungan na mas mapalapit at mapadali ang pag-process ng kani-kanilang mga passport application, passport renewal at iba pa.
   
Isinabay din dito ang pagkakaroon ng isang charity raffle draw upang makalikom ng pera para i- donate sa Good Shepherd (home for the sexually abused children in Naga City, Bicol) sa tulong din po ng ating mga sponsors.

Upang hindi mainip ang mga tao habang sila ay naghihintay na matawag ang kani-kanilang mga number para makapag-renew, nagkaroon po ng kaunting programa.  May mga nagbahagi ng kanilang talento sa larangan ng pag-sayaw at pag-awit. May mga nagtitinda ng pagkaing Pilipino at mga inumin tulad ng sago at gulaman pamatid uhaw. Kahit sa sandaling oras lamang ay parang na feel mo yung buhay natin sa Pinas.

Muli ay naging maayos at masaya ang Consular Mission at nais kong ibahagi sa inyo ang isang pasasalamat mula kay Grace Bermudez para sa lahat ng mga tumulong at naging bahagi ng mission na ito:  Nagano Prefecture Fil-Com; at taos pusong pasasalamat sa Philippine Embassy Consular Team at sa lahat ng mga tumulong mula pa sa kung saan-saang bahagi ng Nagano-Pref., mga sponsors at naging bahagi sa ika- 7 taong Consular Mission sa Nagano Prefecture.  God Bless Everyone!

**********************
Donation worth Php. 53,315 for sexually abused children in Bicol, Philippines from the Charity Raffle Draw last July 13, 2013.  Maraming salamat po at mabuhay ang mga kababayang nagkakaisa at naglilingkod sa Nagano Prefecture.
 **********************

August 10, 2013 ay mayroon po kaming Ringon festival dito po sa IIDA-SHI NAGANO-KEN, nagtulong tulong po ang Iida Filipino Community (IFC) upang ating maipagmalaki, na tayong mga Pilipino ay kaya din nating gawin at ipagmalaki ang ating bansa kahit tayo ay naninirahan dito sa Japan Nag tulung-tulong kami sa paggawa ng Arko o isang kubol na karaniwang ginagamit sa Pilipinas kapag may parada o sagalahan. Nagkaroon din kami ng isang simpleng barrio fiesta kung saan nagtipun tipon ang mga Pilipino at makisama sa parade noong pagsapit ng 7 pm.  Nakakapagod pero sobrang saya ng pakiramdam na maganda ang kinalabasan ng pag hihirap lalo na sa paggawa ng mga banderitas at kubol na ginamit sa parada.  At anong sarap ng pakiramdam kapag pinupuri ang iyong pinaghirapan. Luto ng pagkain, kuha ng pictures, at pag video sa kanila habang nagkakasiyahan.  Bagamat hindi ko kayang magbigay ng financial na tulong sa aming samahan, sa pamamagitan nito ay naibigay ko ang aking makakaya.

Naging maayos at masaya ang aming festival at isa sa mga naging bahagi nito ay ang mga sponsors. Sana po ay huwag tayong magsawang mag tulungan para po sa ikagaganda ng ating samahan. Maraming- maraming salamat po sa inyo at mabuhay tayong lahat.

Talaga nga namang pag nagsama-sama ang pwersa ang bawat Pilipino ay napakasaya lalo na at may pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat-isa. Muli maraming salamat po sa pagbibigay ng oras na mabasa itong aking article sa Jeepney Press.

Hanggang sa muli po God bless us all!!! :)

No comments:

Post a Comment