Wednesday, January 29, 2014

Joey Vendiola Cobcobo

Kawaii, Kirei, Kobo-chan at Kogane-cho Bazaar 2013



November-December 2013

Ano ang masarap sa Japan? Experience in KOBO-CHAN? Bakit kaya KOBO-chan? Dahil sa apelyido kong COBCOBO, mas madali nga naman para sa kanilang bigkasin na KOBOKOBO
Nang makita at malaman ko ang nakaraan ng Koganecho na dating puntahan at bentahan ng laman, ako’y napaisip tuloy na kung paano nila ito nilinis at nagawang isang epektibong artist village. Para bagang kelangan kong maglaba sa harap ng publiko or Washing the Dirt in the Public”. Isang buwan na paggawa at isang buwan ng paglalaboy.

May isang Filipino community akong na meet sa lugar ng Yonbancho Chiyoda-Ku Tokyo Japan, nang mag-aya si Dennis at Alma na sumama mag-dinner sa kaibigan si Mrs. Josie Nistal, na siya naman nagtatrabaho sa isang Luxumbourg Embassy. Isa din sya sa ininterview ko para sa aking Lola project at inimbitahan din naming magluto ng Filipino Food sa YOYO art bar… Ansarap! oishi! Sogoi... Omedetou gozaimasu sabay sabi ng MATA-NE!
It’s more fun in the Philippines
 Ang adventure sa aking studio na siya ring exhibition space, sa labas inyong makikita ang isang printwork na parang unggoy na tao na pawang gustong magpatawa at nagsasabing halikayo pumasok kayo dito

“Welcome po kayo”.

Art in the form of Collaboration in making of Installation Art
Baket may poso o de bomba? Sa umpisa di ako makagawa ng pyesa dahil sa ingay ng pagdaan ng tren, iniisip ko nalang na ito ‘y parang may naglalaba o naliligo sa batalan na gaya sa Pinas. Ito ay gawa sa paper clay, kawayan, cemento and charcoal na kanilang inihambing  sa malaking igiban na matatagpuan sa Japanese garden.
“My philosophy of life: “You’re not just body but a spirit, love of country, when I go abroad, importante yung  bayan na may malakas ang sense of identity.”- Lola Peanuts PaƱares

Art in the form of Process in Printmaking
 The quality of prints by using leaves, flowers and stems from their garden inspired in the true to life story of each person.
 Being global you cannot be a good global person, if you’re not first Pinoy, love of everything Pinoy, because Pinoy is so beautiful, but the others are seeking for a gold mine and thinking of a kind and it’s a waste! well alam mong artist lang din ang makakapagsabi nyan. -  Lola Gilda Cordero

Art in the form of Dialogue a quality of conversation na hango sa istorya ni lola basyang pero dito mas seryoso at totoong testimonya ng kanilang buhay.
Bayani o Heroes  ordinaryong tao lang at aksidente lang yan kasi nagre-response lang sila sa mga dumating na challenge. Gawain nila ay pagbubukas ng panibagong pinto para sa mga susunod na henerasyon na mapapunta sa mabuting direksyon. - Lola Imelda Cajipe Endaya.
Video art isang video na inedit ng isang kaibigang Hapon na si Naoki Yoshimoto at siya rin ang nagtatranslate nito sa salitang English para aking maunawaan. Sa una ito’y isang batya lamang na labahan o liguan then turn into a river in Kaganecho saka lilitaw ang panayam ni  lolo at lola. Samakatuwid kelangan mong kaibiganin sila pati mga anak at apo nila. Iba’t-iba man ang katayuan sa buhay basta ang alam ko sila ang mga hinahangaan at nirerespeto ng mga tao sa lugar ng Yokohama at Tokyo.

Ano ang pinagkaiba ng lola sa Pinas at sa Japan. Ano ang dahilan at isinama muna si Lolo sa proyekto?
Ang lola sa Japan ay hindi masyado umaasa sa tulong ng gobyerno samantalang ang lola sa Pinas ay close family ties tipong gustong kasama ang anak at mga apo sa iisang bubong. Isinama ko si Ojiisan para malaman ko kung gaano ba sila ka-close ng kanilang apo at pano sila pinayuhan at pinamanahan ng kanilang Grand Ojisan/ Obasan.

Talasalitaan Batya ay simbolo ng kababaihan o ng asawang babae.
De bomba o kawayang poso  ay simbolo ng AMA ng tahanan.
Bukasan o gripo simbolo ng anak o apo sa mga susunod na henerasyon.
Buhangin simbolo ng nakaraan at only memory of the past will remain.
Bahayk ubo pambansang bahay ng Pinoy. Ang pagyuko at pagmano sa mga nakakatanda ay isa sa mga tradisyong dipa nawawala sa atin. Akong sana’y na sa tawag na Kobo-chan.
Bakya isang uri ng sandals na parang geta ng hapon.Celpong every Tuesday marami akong lola na kaibigan na nagtitinda ng gulay at kung ano-ano, minsan nga’y nagpunta ako at bingyan ako ng bulaklak at isang celpong? Cellopane PunO ng Gulay. De uling - a charcoal thing of a man I don’t have a cell phone, like in pre-historic time. Moroshifu - 70% rice throw and 30% pineapple paper fabric na ginagamit sa monoprint Monoprint parang painting isang beses lang pwede gawin at di na mauulit. Tabo pambansang gamit ng Pinoy. Halos di tayo kumpleto pagwala ito.

1 comment:

  1. salamat sa inyo Jeepney press at sa mga kumakatawan nito..salute to Mr. Dennis and Ms. Irene

    ReplyDelete