SHITTERU?
September-October 2013
ALAM NYO BA…na karamihan sa mga kabataan ngayon lalung-lalo na ang mga kababaihan ay nakaka-limutan ang mga good manners. Yung tinuro sa atin ng mga lola’t mga mothers natin noon, bawal ang siko sa ibabaw ng mesa, dapat di ka lalabas ng bahay na basa ang buhok mo, huwag kakagatin ang mga kuko. Dahil nga sa nakakalimutan na ang mga good manners, kailangan tayong mga magulang o mga nakakatanda, should remind our children or the young ones, gaya ng pagbukas ng pinto for someone, give your train seat para sa isang matanda, buntis o isang handicap, learn to say thank you, please and excuse me. Sa pananamit, kailangan din gabayan natin ang mga kabataan, like huwag papakita ang underwear in public or pakita ang bra or yung cleavage… sabi nga ng mother ko, mag-iwan ng something para sa imagination ng ibang tao, hindi yung kita na ang kaluluwa mo. Marami na rin sa mga kabataan ang nagpapa-tattoo o yung mga kalalakihan na naghihikaw na rin. Siguro you may say that I am too conservative but I have learned good manners from my grandmothers, my mother, school (lalo’t growing up in a private all girls school at mga madre ang nagpapalakad).
ALAM NYO BA…that how you present yourself in public defines you? No matter how much money you have or how expensive your clothes or bags, it does not matter. What is important ay well mannered ka, mas mukha ka pang rich or kagalang-galang when you are well-mannered.
ALAM NYO BA…kung mayaman ka, you should not flaunt yung kayamanan mo or what you have. Yung ibang tao kasi, just because they have money or mga brand yung mga gamit nila, they flaunt it. A very good example ay yung daughter ni Janet Lim Napoles, lahat ng blog niya is about her lavish lifestyle. So kung ikaw ay rich, no need to flaunt it, makikita naman ng mga tao kung tunay na rich ka or feeling rich lang. So remember, when you become rich, huwag masyadong magyabang, kung maaari, be humble.
ALAM NYO BA…kung paano ka nakarating ng Japan? Tayong lahat ay may mga kwento on how we started yung buhay natin dito sa Japan. Others came here as students, while others started as entertainers or engineers. What you are right now is totally different from what you are when you first came to Japan. What is important is you have earned and worked hard for what you have right now. So, kung ano man ang kwento ng iyong buhay at paano ka nakarating sa Japan, that is your life, your journey of your life and it was meant to be para makarating ka dito sa Land of the Rising Sun.
No comments:
Post a Comment