Friday, January 24, 2014

Karen Sanchez

Mga Dapat Malaman Habang Nasa Japan




July-August 2013

Entry and Residence ito ang unang prosesong madadaanan ng bawat dayuhang pumapasok upang mamasyal, magtrabaho o manirahan dito sa Japan. Ang BISA ay makukuha sa Japanese Embassy or Consulate ng isang aplikante o isang taong may kinauukulan sa Japan o proxy gaya ng asawa ng hapon, anak ng Hapon, estudyante at empleyado ng isang kompanya. Ito ay binabago (renewal), napapalitan (change), kinukuha muli (re-entry). Ito rin ay pwedeng bawiin at pwede ka ring makulong kahit anuman ang iyong status kapag ikaw ay nahuling nameke ng isa man sa mga papeles o requirements na iyong pinasa para lamang magka bisa, kapag ikaw ay nahuling wala nang bisa o overstay dito at hinde ka sumuko sa Immigration office, kapag ikaw ay lumabag sa nakasaad sa iyong bisa halimbawa ikaw ay turista lamang at ikaw ay nagtrabaho dito maari kang ipa-deport at magkaroon ng mga penalties.
       Buhay, Trabaho at Kalusugan kagaya din ng Pilipinas at ibang bansa sa mundo halos pareho lang ang batas na ipinatutupad sa manggagawa dito o labor laws dito sa Japan. Kagaya ng kontrata, mga benipisyo ng bawat manggagawa, suweldo, overtime at bakasyon, bonus, etc. Dito kahit ikaw ay may edad na hanggang 65 kung kaya mo pang magtrabaho ay may tatanggap at tatanggap na mga kumpanya sa iyo. Kahit ang mga kulang sa pag-iisip o sinasabing mga "special child" ay binibigyan prayoridad ng mga piling kumpanya. Hindi rin pilipili o tinitingnan ang educational background sa karamihang trabaho dito. Ang mahalaga ay kaya mo ang trabahong ibinibigay sa yo. Mahalaga sa mga Hapon ang oras kaya halos walang sinasayang na oras sa pagtatrabaho. Kung matagal ka na dito, hinde mo maiiwasang ikumpara ang pamilyang mayroon tayong mga Pinoy. Sa atin binibigyan oras at prayoridad ang ating pamilya at sila palagi ang nangunguna sa puso at isip nating mga Pinoy ngunit dito sa mga Hapon, mapapansin mong pumapangalawa lamang ang pamilya at mas pinahahalagahan nila ang kanilang trabaho o career. Lalo na ang mga ama, halos wala ng panahon sa mga anak at asawa. Kung mayroon man kagaya natin pero yun ay mahihirapan kang hanapin. Dahil na rin siguro sa mga bayarin gaya ng tax at health insurance kung saan bawat isa maging ikaw at turista ay kailangang kumuha. At dahil sa palaging abala ang asawa, nagiging sanhi ng madalas na away lalo na pag hinde na sapat ang kinikita at kailangan na rin magtrabaho ng babae at napipilitang iwanan ang maliliit na bata sa hoikuen o paalagaan habang ang mga nanay ay nagtatrabaho. Minsan dahil sa may maliit na bata sa gabi naman nagtatrabaho ang mga nanay at ang tatay naman ang magbabantay pagkagaling sa trabaho. At pag hinde na magkasundo, madalas ng magtalo at nasasaktan na ang isa’t-isa o domestic violence, doon na pumapasok ang usapang hiwalay o diborsyo. Mayroong tatlong klase ng diborsyo. Kapag ang mag-asawa ay parehong may gustong maghiwalay o divorce by consent, kapag ang isa sa asawa ay hinde pumayag at may hinde na napagkasunduan ay kinakailangan na nila pumunta sa korte at kumuha ng arbiter o divorce by mediation, at kapag ang mag-asawa ay hinde pa rin nagkasundong maghiwalay sa mga nauna o kaya ang isa ay nawawala kailangan mo ding pumunta sa korte at kumuha ng abogado at ito ang pinakamahal na proseso at mas malaki daw ang tsansa mong manalo sa kaso. Kapag naman ang isang pamilya ay hinde na kaya ang buhay kahit may trabaho pa, tulad ng hinde na makabayad ng bahay o apartment, wala ng asawa, hinde na mapag-aral ang mga bata maaring lumapit sa pamahalaan o city hall na sakop ng iyong lugar upang humingi ng tulong dahil may mga nakalaang mga proyekto o budget ang bawat mamamayan kung talaga namang kinakilangan.
       Masarap ang makapagtrabaho at manirahan dito sa Japan dahil hinde masyadong nakaka-stress ang paligid. Hindi magulo ang pulitika, walang nagkalat na mga batang yagit sa lansangan, walang nanlilimos, walang street vendors, masisipag ang karamihan, maraming trabaho at higit sa lahat hindi mo mararamdaman ang pangungurakot ng pamahalaan, hindi talamak ang kuratong na mga pulis sa mga daan o mga magnanakaw at maraming tutulong sa iyo pag ikaw ay nangailangan ngunit kapag ikaw ay nakagawa ng kasalanan ano man ang iyong estado sa buhay tiyak ikaw ay parurusahan. Magtago ka man sa kung saan darating ang panahon matitiklo ka rin ng mga kapulisan.

No comments:

Post a Comment