NAKAKABIGHANING AKI
September-October 2013
Aki sa Nihongo ay may literal na kahulugan na "Work of Autumn o Trabaho ng Taglagas” sa Pilipino. Madalas itong gamitin ng mga Hapon sa pangalan ng kanilang mga anak na nagkakaroon ulit ng ibang kahulugan gaya ng "Brightness of Autumn o Liwanag ng Taglagas” kapag isinulat na sa Chinese character o Kanji. Ito ang isa sa kaabang-abang na panahon dito sa Japan na kilala at dinadayo ng mga turista sa buong mundo. Ito ang panahon ng mainit at mahalumigmig o mamasa-masa at kasabay nito ay ang pagpapalit o pag "transform" ng ibat-ibang kulay ng mga dating berdeng dahon sa paligid hudyat ng pagsibol naman ng sakura o cherry blossoms. At mararanasan o matutunghayan ito sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre.
Bago itong aki, kamusta naman po ang inyong nagdaang natsu, summer o tag-araw? Natsu dito sa Japan kakaiba sa lahat ng ibang lugar sa mundo. Sobrang mainit, mabanas, mamasa-masa, nakakapanghina at nakakapigil hininga. Mahirap ngunit gustong-gusto ng mga Hapon lalo na ng mga kabataan. Dahil sa panahong ito masisilayan ang makukulay at naglalakihang hanabi, fireworks o mga paputok na sa Pilipinas kadalasan lamang masisilayan pag bagong taon. Mga matsuri, festivals o ibat-ibang kapistahan o pagdaraos na makikita mong mga suot ng mga tinedyer ay yukata o summer kimono. Kung sa atin sa Pinas ay may fresh o sariwang noodles, pansit sariwa o miki at madalas mainit natin itong kinakain, niluluto o ginigisa dito sa Japan sa panahon ng tag-araw pati noodles nila ay inihahain na malamig. In din ang ibat-ibang klase ng iced tea at green tea flavored ice cream. Sa fashion, uso din ang mafura, shawls na ginagamit din pag winter o panahon ng taglamig at ibat-ibang istilo ng panyo. Gaya sa atin mabenta din ang makukulay na payong at mga pamaypay. At kahit saang sulok makakabili ka ng sunblocks at dahil sa napakaconvenient ngang maituturing ang Japan kahit saang sulok ay may convenient stores at jidohambaiki o vending machines ng ice candies, ice creams at ibat-ibang klaseng inuming malamig.
Sa Pilipinas, panahon ng bakasyon, uwian sa mga probinsya, gala, pamamasyal at pag punta sa dagat at magsuot ng makukulay na swimsuits, bikinis, trunks, shorts, sandos at ibat-ibang preskong mga damit. Kakaiba lamang sa atin pag sinabing summer, swimming agad ang nasa isip natin. Dito sa Japan pag sinabing natsu nasa isip agad ay barbecue party o ihaw-ihaw ng pamilya, katrabaho at magkakaibigan. At sa sobrang puti ng mga Hapon, ayaw ng mangitim ng iba. Ang daming proteksiyon sa katawan. Maliban sa sunblock lotions, nakashorts nga may leggings naman, may malalaking o malalapad na sumbrero at may mahahabang gwantes sa mga braso. At kung sa atin ma-swerte at feeling rich ang de aircon na mga bahay dito sa Japan halos lahat ng bahay may aircon kaya yung mga ibang matatanda sa bahay na lamang nagpapalamig. Sa Pinas, punung-puno ang mga department stores o malls ng mga tao kahit yung iba nagpapalamig lamang. Ang mga Pinoy na mayayaman o may kaya lamang ang nag pupunta ng beach o mag out of town. Sa mahihirap, tama na ang maligo ng ilang beses sa isang araw o pumunta sa ilog. Masuswerte ang mga nakatira sa malalapit sa dagat, makakapag swimming ng libre. Ang mga Hapon naman na nasa kadalasan kung gustong magbeach, dadayo pa sa Okinawa kung saan kilala sa magagandang beach dito sa Japan at kilalang may paghahalintulad sa atin sa Pinas ang klima at pamumuhay ng mga taong naninirahan doon. Ang iba naman palapit pa lamang ang summer nagpapareserve na ng kanilang mga tiket papuntang Pilipinas gaya ng Cebu at Boracay, sa Hawaii, Thailand at iba pang malalapit na bansa na may magagandang karagatan. “In” din ang mga beer garden kung saan parang festival o matsuri din ang dating. May mga panindang puro pagkain at ihaw-ihaw pampulutan at nagiging pasyalan ng karamihan pagkatapos ng trabaho.
Tayong mga Pinoy na nasa abroad at hindi pa naiikot ang sarili nating bansa. Kapag may oras at may badyet, subukan nating tuklasin at pasyalan ang mga ibang lugar na hindi pa natin napuntahan dahil gaya ng Japan at ng ibang bansa sa mundo, marami rin ang magagandang tanawin o pasyalan sa atin. At hindi natin namamalayan na nakakatulong tayo upang i-angat at ipakilala sa mundo na hinde lamang sa sipag, tiyaga, talino at talento mayaman ang Pilipinas. At sa pag angat ng antas ng Turismo ng ating bansa, unti-unti ay aangat din ang pamumuhay ng mga Pinoy. Maaaring magkaroon ng mga dayuhang pwedeng mamuhunan at magtayo ng negosyo sa atin. Dahil doon marami ang magkakaron ng trabaho. At kapag may trabaho, ang mga tao at may sapat na kita. Maiiwasan ang masasamang gawain ng iba sa atin dahil sa matinding pangangaila-ngan. Hindi naman lahat ng gumagawa ng ganoon ay sinasadya. Ang iba ay dala lamang ng kahirapan at matinding pangangailangan. At kapag ang kahirapan ay nabawasan sa Pinas, mababawasan din ang mga naghihirap na pamilya; ang mga nagsasakripisyong mahiwalay dahil kailangan mang-ibang bayan o bansa para magtrabaho para sa mga minamahal.
Kasabay ng pagbabago ng panahon saang sulok man ng mundo, sabay-sabay nating harapin ang mga hindi inaasahang pangyayari sa ating mga buhay-buhay. Maganda man o hindi kaaya-aya, lagi nating iisipin na lahat ng yaon ay may dahilan at kailangan nating maranasan para sa ibang tao o para sa sarili nating kapakanan. At lagi nating tatandaan na sa anumang pagsubok ng buhay, ang Panginoong Diyos ay lagi nating gabay.
No comments:
Post a Comment