Wednesday, January 29, 2014

Isabelita Manalastas- Watanabe

ADVICE NI TITA LITA


Take It Or Leave It! Send questions to:
jeepneymail@yahoo.com

November-December 2013








Dear Tita Lita,

I have lived here for more than 5 years now. And I have experienced discrimination because I am a Filipino. Mababa ang tingin ng mga Hapon sa ating mga Pilipino dito. Isa po akong trainee sa kumpanya namin at
minamaliit po ako dahil Pilipino ako. Gusto ko man maging proud, mukhang sira na yata tayo. Minsan, kapag lumalabas po ako para uminom sa mga bars, nahihiya ko pong sabihin ngunit minsan, pinagkakaila ko ang aking nasyonalidad. Para wala na lang masabing masama sa ating bansa, sinasabi ko na American citizen na lang ako. How do you handle discrimination po when it happens to you? Naranasan na po ba ninyo
sa inyong matagal na pag stay ninyo sa Japan?

Toto

Hay naku, Toto. Maraming maraming beses na! (na na-feel ko din ang discrimination dito sa Japan, sa ating mga Pilipino).

Natatandaan ko, na-publish pa nga sa isang Filipino newspaper many, many years ago, iyong isinulat kong “Hawaii Kara Desu.” Tulad mo, may time na nahiya akong sabihing from the Philippines ako, so minsan, nasabi ko, I am from Hawaii. After that, parang nahiya naman ako sa aking ginawa.  Sabi ko, itong mga Hapon, nagta-trabaho sa mga bars, hindi para suportahan ang kanilang pamilya, kundi para bumili ng mga brand goods.  Tayo, nagta-trabaho, ke sa bar, or white collar jobs, to help feed our families back home, and send our children to school. Sino ang mas dakila at mas nakakataas? Di-ba tayo?

Hangga ngayon, Presidente na ako ng isang kumpanya sa Japan, patuloy pa rin akong nakakaranas ng discrimination – sa paghahanap ng oficina noong mag i-start pa lang  kami ng business, sa pagli-lease ng mga furniture at equipment, etc.  Pero nakataas pa rin noo ko, at hindi ko na sinasabing from Hawaii ako.

Sa awa ng Diyos, hindi naman niya ako pinapabayaan.  Finally, nakakuha kami ng office.  At nakakuha din ng leasing company na magtitiwala sa amin. At siyempre, sinigurado kong hindi kami mapapahiya, so bayad kami palagi ng husto and on time. Iyong leasing company pa ngayon ang ligaw ng ligaw sa amin, na kung may kailangan kami, anytime tawagan lang daw sila at wala ng tsecheburetse, at approved na kaagad.

So, sa iyong company where you are a trainee, hold your head up.  Kasi, ang galing nating mga Pinoy, diba?  Matalino tayo, tingin ko, mas matalino kaysa sa ibang lahi.  Ang kailangan lang, consistent tayong maging very efficient and consciencious sa ating pagtatrabaho.  Tayo kasing mga Pinoy, ang bilis at ang galing magtrabaho. Tapos kaagad. Ang Hapon, relatively very slow, diba?  Pero sila, consistently doing their work day in and day out. Tayo, hindi consistent sa pagiging good.  Bukas, sasakit ang ulo, a-absent na.  Or biglang tatamarin – bukas na lang tatapusin ang trabaho.

 Pero kapag nakita ng ating mga katrabaho at ating employer na consistently good tayo, mawawala ang mababang tingin sa atin.

So feel proud na Pinoy ka.  Magaling tayo!

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Marami na po akong narinig na magagandang kwento tungkol sa inyo. At congratulations po sa patuloy na
pagunlad ng inyong kumpanya, SPEED. Gusto ko pong malaman ang sikreto ng inyong tagumpay sa business at pati na rin sa buhay. Isa rin po akong business woman dito. Sana'y matulad po ang kapalaran ko tulad ninyo. Maraming salamat po!

Jennifer

Maraming salamat, Jennifer. Sa SPEED, lahat kami sumasagot ng telepono.  Kasi ang isang telephone call galing sa isang customer, business iyon. Kapag na-miss iyong tawag, e di na-miss na rin ang opportunity to get business from that customer. Karamihan kasi, ang tingin ng ibang Pinoy, mababang trabaho lang ang pagsagot sa telepono. So naghihintayan pa, bago sagutin.  Pero as I said, business iyon, kaya be happy to take that telephone call, diba. At saka, kung walang direct interaction sa customer, hindi malalaman ng top management kung ano ang kanilang needs and complaints.

Hindi rin ganoon kalayo ang sweldong ibinigay ko sa aking sarili, kahit kaya kong gawin na mas mataas ng higit, as compared sa ibang top officers ng company. Dahil dito, siyempre, mas magiging mataas ang morale ng ibang officers (at saka employees). Ganito ang sistema sa Japanese companies. Ang company president, siyempre, mas mataas ang sweldo.  Pero hindi sky high ang difference or layo sa iba.  Hinde tulad sa America – doon, sobra kataas ang sweldo ng top management, at sobra kalayo ang sweldo ng ordinary employees.

Isa pa – may profit sharing.  Kapag kumita ang company, commitment namin na i-share iyon hindi lang sa lahat ng investors namin na nagtiwala ng pera nila para i-invest sa company, kundi pati sa pinakamababang empleyado.  Kung hindi sa mga dedicated employees of the company, hindi naman magpoprogreso ang company, diba?

May company trip din kami, kapag kumita na ng maigi ang company. Lahat kami, looking forward dito!

Tawag ka lang sa akin, kung may katanungan pa:  03-6869-8555.

Sige…

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Gusto kong humingi ng tulong sapagkat nahihirapan na po ako. Biktima po ako ng tsismis. Kahit meron man konting totoo
sa mga ibang kwento, marami po ay pawang mga kasinungalian at puro pagsisira sa akin. Ano po ba ang dapat gawin? Sabi ng iba, huwag ko na lang patulan. Pero hindi na po ako makatulog sa gabi. Pati ang mga anak ko, nadaramay na rin.
Tulungan po ninyo ako.

Helen

Dear Helen:

May narinig ako lately na nagsisiraan na yata ibang Pilipino sa face book.  Ang problema, nakapseudonym ang pangalan ng mga ibang sumusulat, kaya hindi madetermine kung sino talaga iyong nagsusulat. Ang masakit, mayroong napagbibintangan na siya ang sumusulat.  Kung hindi siya talaga ang nagsusulat ng mga bagay bagay against some Pinoys, unfair, diba?

Ako, ayoko ng facebook. Talagang sobrang gusto kong may private life naman, na hindi parang open book sa lahat ang mga happenings sa buhay ko. Ang downside, siyempre, hindi ako updated sa mga nangyayari, kung walang mag-kwento (or magtsismis) sa akin.

Ang hirap talagang mabiktima ng tsismis. Ganoon din ang masasabi ko lang sa iyo – ignore them.  Kasi kapag nakita ka nilang naaapektuhan, laking tuwa noong naninira sa iyo. Iyon ang kanyang gusto – maapektuhan ka! Baka magkasakit ka lang.  Importante, that your kids and your husband should have full faith in you. Iyon lang ang importante, diba? Bayaan na ang ibang tao, basta’t naniniwala sa iyo ang iyong pamilya.

And time heals all wounds.  Hindi masusustain ng nagtsitsimis sa iyo, ang interest ng iba, na makinig sa tsismis tungkol sa iyo.  Magsasawa rin iyong mga nakakarinig.

Mahirap itong gawin, madaling sabihin, pero kung kaya mo, it is best:  PRAY FOR THE ONE WHO SPREADS ALL THOSE UNTRUTHS.  PRAY THAT HE/SHE BE GIVEN THE LIGHT BY THE LORD.  Prayers are very powerful.  Ito ang biggest weapon mo.

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Nangutang po sa akin ang aking kaibigan na may 5 taon nang nakakaraan. Malaking halaga rin po yung inutang niya.
Pangako niya, sa darating na salary day. Ngunit maraming mga problema rin ang dumating sa buhay niya kaya hindi  siya nakabayad. Nagkasakit siya at ang mga kamaganak, naospital, namatayan, at maraming mga iba't ibang rason.
Paminsanminsan, pinapaalala ko siya sa kanyang utang sa akin. Minsan, siya pa ang nagagalit at ako pa ang lumalabas na masama. Pero 5 taon na po ang lumipas. Ako rin po ay kapos na sa pera. Alam ko rin po na kapos rin siya. Minsan, nafifeel ko na iniiwasan na rin niya ako. Parang ginawa ko na lahat and dapat kong gawin. Ayaw kong maawa sa sarili ko.
Ano po ang magandang advice ninyo?

Belinda

Naku, Belinda.  Parang nakita ko ang sarili ko sa iyong sulat.  Bago ko ikwento sa iyo ang aking masaklap na experience, siguro subukan mong mag-negotiate na kahit paunti-unti, kahit magkano lang buwan-buwan kaya niyang ibayad, ay sana’y magbayad naman siya. Palagay ko, lalambot din ang puso niya, kung mahinahon mong kakausapin, at ipaliwanag na naiintindihan mong nahihirapan din siya sa pera, so kung pwede, mag-reach kayo ng compromise.  I-fix ninyo magkano buwan-buwan ang ibabayad niya.

Naging gaga ako twice in the past.  Iyong una, nagpahiram ako ng pera sa isang kliyente namin noong sa banko pa ako nagta-trabaho.  Hindi ko masyadong kakilala, pero naawa ako noong sinabi niyang binubugbog daw ng kanyang asawang Hapon ang kanyang kapatid. At nasa ospital at kailangan ng pera. Hayun, naging pusong mamon ako, at winidraw ko ang pera ng anak ko, para tumulong, dahil ibabalik naman daw sa akin within one week. That was many, many years ago, at hindi pa rin ako nabayaran.  Malaking halaga na pinaghirapan ko, at savings para nga sa future ng anak ko. Later, nalaman ko, hindi pala totoo na binugbog ang kapatid, at itong Pilipinang pinahiram ko, ay sugar mommy na may boyfriend (married itong Pinay).  Sa galit ko noon, nai-imagine ko, na kapag nakita ko siya (hindi na nagpakita; hindi nag-reply sa aming mga communications sa kanya), hahablutin ko ang mga alahas niya at sasampalin ko. Leader pa nga noon sa kanyang Catholic Church itong Pinay, would you believe?

Iyong pangalawa, pinatira ko pa sa bahay ko, dahil wala na siyang pera para makakuha ng bahay.  So, pinahiram ko din ng pang-rent ng apartment, at hindi na rin nagpakita afterwards.  Hindi na ma-kontak sa telephone niya.  Illegal ito sa Japan, at ewan ko kung nandito pa.  Years ago na rin, at wala akong nasingil kahit kusing.

Siyempre, ang sakit-sakit ng pakiramdam ko, dahil gumawa ako ng good deed, pero hayun, winalang hiya ako.

Nag-konsulta ako noon sa abogado kung ano ang pwede kong gawin. Pwede ko daw idemanda, pero gagasta din ako sa lawyer’s fee, at saka ma-hassle din daw sa Japan ang litigation. At wala akong pinanghahawakang dokumento na pinirmahan ng naghiram sa akin, na talagang nanghiram siya sa akin.

Sa galit ko noon, I wished na sana, makarma sila!

Pero huminahon din ako.  Sabi ko sa sarili ko, babalik at babalik din sa akin iyong nawala, plus some more.  At sa aking case, talagang malaking grasya ang ibinigay sa akin ang Diyos, mas higit pa sa nawala sa akin. Kasi, pinatawad ko na sila, at ipinagdasal ko na rin sila, na sana, ma-realize nila ang kanilang ginawa, at hindi na gagawin ito sa iba.  (Sana mabasa nila itong isinulat ko, at magbayad sila kahit many years late!).

Anyway, lesson learned – huwag magpahiram unless 100% kang kakilala mo at matinong tao ang ka-deal mo.  And make everything in black and white, na may pipirma din to witness the transaction, kung talagang gusto mong magpahiram.

Tita Lita



No comments:

Post a Comment