Friday, January 24, 2014

Anita Sasaki

KWENTO Ni NANAY




July-August 2013

“I slept and I dreamed that life is all joy. I woke and I saw that life is all service. I served and I saw that service is joy.”   ― Kahlil Gibran



Sa wikang Tagalog, maisasalin natin ang karunungan ni Kahlil Gibran sa, “Sa aking pagtulog, napanaginipan ko na ang buhay ay isang galak na kasiyahan. Ngunit pag gising ko, nakita ko na ang buhay ay isang paglilingkod kaya ako ay naglingkod. Sa aking paglilingkod, naunawaan ko na nasa paglilingkod ang kasiyahan.”

Sa aking pagkabata. Palagi akong sinasabihan na huwag magdamot. Dapat bukas ang mga palad para masambot lahat nng grasya. Dahil pagsarado ang palad hindi masasambot ang ano mang grasya o biyaya. Kung sakali man ang masambot mo ay dumi o basura. Madali lamang maitapon o maihugas ang basurang nasambot o nasalo. Ganoon din ito sa tao. Kung bukas ang palad ko sa
pagtanggap at pagtulong sa ating kapwa dahil nariyan ang iba't ibang problema na kailangan pakinggan dapat at malutasan. Kaya  andiyan ako handang tumulong at makinig sa abot nang aking makakaya.

Nguni't sadyang di lahat nang tao ay pare-pareho. May mabait at may mga tuso o salbahe. Nguni't kahit mayroong mga di magagandang pangyayari sa binigyan mo nang tulong, hindi ako tumitigil magbigay pa rin nang aking kayang ibigay. Bukas pa rin ang aking mga palad upang tumulong. Sapagka't sa aking paniniwala, kung sakali man ibinigay ko ang aking palad upang tumulong, subalit  kinuha pa ang aking mga braso, medyo sumosobra na yon. May mga taong may masamang gawain. Ginawan mo na nang mabuti nguni't  ito pa ang kanilang igaganti. KAAWA-AWA NAMAN ANG GANITONG TAO. Walang alam kundi magsinungaling, manloko at manlamang sa kanyang kapwa. Kaya para sa mga ganitong tao, ang Diyos na lamang ang bahala sa inyo.

I may not understand Your ways, Lord, but I choose to trust that You know what’s best for me.

Kaya ingat tayo sa mga ganitong tao.

No comments:

Post a Comment