Friday, January 24, 2014

Isabelita Manalastas-Watanabe

ADVICE NI
TITA LITA
Take It Or Leave It!

Take It Or Leave It! Send questions to:
jeepneymail@yahoo.com


July-August 2013

Dear Tita Lita,

Kasal po ako sa Hapon at meron po kaming dalawang anak. Meron pa rin po akong isang anak sa dating Pilipinong boyfriend ko sa Pilipinas. Alam ng asawa kong Hapon ang tungkol sa kanya. Gusto ko po sanang dalhin dito yung anak ko sa Pinas. Pwede ko kayang i-adopt siya para maging Hapon na rin ang aking anak? Paano po ba ang adoption procedures sa Japan?
Salamat po!

Mila

Dear Mila:

Masuwerte ka at mukhang mabait ang napangasawa mong Hapon.  Hindi mo nasabi kung anong edad na ang iyong anak, pero I assume menor de edad pa siya.  Hindi mahirap ang proseso sa pag adopt ng asawa mo sa iyong anak. Marami lang na paper work ang gagawin. Best na mag consulta kayong dalawa sa inyong local ward office para sa kakailanganing paper work.  Kapag natapos na ang proseso, maisasali na sa family registry ng asawa mo ang pangalan ng anak mo.

Tita Lita


Dear Tita Lita,

Lagi ko pong binabasa ang column ninyo. Meron lang akong tanong. Gusto kong mag travel sa America. Paano po ba ang pagkuha ng visa? Dati po akong may asawang Haponesa pero divorced na po kami. Permanent resident na po ako ngayon at part-time worker lang po sa isang Philippine pub dito sa Chiba-ken. Madali po bang kumuha ng visa sa aking situwasyon? Yung isang Pilipinang nag ta-trabahong waitress sa omise namin, nakakuha ng visa dahil yung asawa niya ay Hapon. Pero paano naman po ako. Pwede kaya?

Arnold

Dear Arnold:

Basta’t dito ka residente sa Japan, maari kang mag-apply ng visa sa US Embassy/Consulate sa Japan.  Ang hindi maaaring mag-apply ay ang mga turista lang sa Japan, or those on short-term visit.  Dapat bumalik ang mga ito sa kanilang country of origin to apply for their visa.  Mag check ka online for the requirements for visa application at sunding mabuti ang lahat ng instructions.  Natatandaan ko, from estudyante pa lang ako dito sa Japan ay nakakuha na ako ng US visa, from the US Embassy in Tokyo.  Tapos, in and out ang pasok ko sa US for more than 25 years na yata, when the next time mag-apply ako, biglang denied.  E residente naman ako sa Japan at secured at maganda ang trabaho at kita ko dito.  Hindi ko maintindihan ano ang dahilan, so tinanong ko ang Consul sa US Embassy. Ang sabi, hindi sila nag e explain kung ano ang dahilan kung bakit granted or denied ang visa application ng aplikante.  So nag re-apply ako, at kalahating araw lang, approved kaagad.  So hindi natin masasabi kung maaaprubahan ang visa application mo o hindi. Ang sigurado, qualified kang mag-apply. And be honest with all your answers sa lahat ng questions, written or verbal. Isa siyempre sa gustong malaman ng US Embassy ay kung babalik ka sa Japan after ng short visit mo sa US. Kapag they feel na baka mag-over stay ka doon, baka ma-deny ka. The fact na permanent resident ka na sa Japan ay plus factor sa iyo ito.  Kung may family ka dito (anak, kung wala ng asawa), much better.  Kasi iisiping babalik ka.

Good luck!!!

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Paano po ba ang pagtayo ng isang small business company dito sa Japan? Madali lang po ba? 5 taon na akong nagtitinda ng mga iba't-ibang bagay tulad ng pagkain, vitamins, damit at iba pa. Noong una, parang hobby lang. Pero gumaganda ang takbo ng negosyo. Gusto ko sanang maging legal ang aking business at ma-register sa city hall. Malaking pera kaya ang magagastos? Sa bahay lang po nakalagay ang mga binebenta ko. Ngayon, parang gusto kong mag-rent ng maliit na space para gawing tindahan. Ano po ang payo ninyo?

Elizabeth

Dear Elizabeth:

Madali lang, Elizabeth. Best kung may tutulong sa iyo na Hapon, dahil lahat ng paperwork ay in Japanese. Ako, gumamit ng abogado noong itinayo ko ang Speed Money Transfer Japan.  Gumasta ako ng mga JPY 450,000 lahat-lahat, pero malaking negosyo ang money transfer business so hindi ko pinanghinayangan itong gastos para sigurado akong maayos lahat ng papeles at rehistrasyon ng aking business.  Walang malaking capital na kailangan.  Kahit mga JPY 50,000 lang pwede mo ng i-rehistro as your seed capital.  Kung gusto mong i-introduce kita sa aking abogado, call me up during office hours, Sunday – Friday, at 03-6268-8010.

Tita Lita


Dear Tita Lita,

Gusto kong dalhin ang nanay at tatay ko sa Japan para mag-bakasyon. Ano po ang kailangan na dokumento? Madali lang po ba ang pagkuha nila ng visa? Isa po akong trainee sa maliit na Japanese company na kumuha sa akin para mag-trabaho.
3 years po ang visa ko. Maliit lang po ang sweldo ko kaya medyo kabado po ako na makukuha ko sila. Nag-volunteer naman yung isang kaibigan kong Pilipinang may asawang Hapon na maggaguarantor. Pwede rin po silang mag-stay sa bahay nila kasi nakatira lang po ako sa company dorm. Makukuha ko kaya sila?

Dorothy

Dear Dorothy:

Ang Japanese Embassy sa Pilipinas ay may mga accredited na travel agents sa ating bansa. Best to use one of those accredited travel agents, for the visa application of your nanay at tatay. Sila ang magbibigay sa iyo ng listahan na lahat ng iyong ipe-preprare na documents, at sila na rin ang magpa file ng visa application ng iyong nanay. Normally, mangangailan ng isang guarantor, and best kung Japanese iyong guarantor. May dapat i-prepare siyang dokumento, including salary/source of income niya. Check out the list of accredited travel agents thru the website of the Japanese Embassy.  Sa tantiya ko, maaaprubahan ang pag-bisita sa iyo ng mga magulang mo.

Tita Lita









No comments:

Post a Comment