Wednesday, January 29, 2014

Dennis Sun

DAISUKE!




November-December 2013

A young bold actress was asked in a TV interview:
“What can you say about violence in Philippine movies today?”
She supposedly answered: “Naku, si Tita naman, gitara nga hindi ako marunong, violence pa!”buhay at dugo ng bawat Pilipino ang industriya ng pelikula. Ini-idolo natin ang mga artista. Pinag-aaralan, pinag-uusapan at sinusu-baybayan natin ang bawat detalye at kilos ng kanilang buhay. Nakaligtaan na natin ang ating mga bayani ng kasaysayan ng ating bansa. Mas alam pa natin ang buhay ni Piolo Pascual kaysa kay Apolinario Mabini. Tunay na mabisa at malakas ang impluwensiya ng pelikula sa buhay natin.

Noong nakaraang TIFF 2013 (Tokyo International Film Festival), inimbitahan ako ng aking mga kaibigan, si Ferdinand Lapuz (producer) at si Jun Robles Lana (writer at director) para panoorin ang kanilang pelikulang “Mga Kwentong Barbero” (Barber’s Tales) na pinangu-ngunahan ni Eugene Domingo.

Napakasimple lang ng kwento ng pelikula: Namatay ang nag-iisang barbero sa maliit na barrio at ang kanyang asawang babae ang nag-aalangan na pumalit sa kanya sa pagpilit at pagsuporta ng kanyang mga kaibigan. Maraming mga iba’t-ibang kwento ang dumaloy sa mga karakter ng pelikula: isang estudyante na hindi na pumasok sa paaralan dahil nais niyang sumali sa rebelyon laban sa Marcos regime, mga kalapating mababa ang lipad ngunit nagkaroon ng mataas na misyon sa buhay,  isang magandang babaeng hindi masaya sa kanyang asawa at nagpakamatay, at siyempre, ang pagkakaisa at pagpapahalaga ng mga kababaihan sa lipunan.

Hindi pangkaraniwan ang atake ng pelikula tulad ng karamihang pelikulang Pilipino na puno ng drama, iyakan, patayan, awayan at sigawan. Simple lang siya pero mabigat! Tumitindig sa puso at isip. Natawa ako ng konti sa mga dialogo. Hindi ako umiyak kasi hindi ka papaiyakin ng pelikula. Ano ang ginawa ng pelikula? Pina-isip ako at hindi rin ako pinatulog nang gabing iyon dahil tuluy-tuloy ang pag-iisip ko. Kasi, isa rin akong Marcos baby. Isinilang at lumaki ako sa panahon ni Marcos. At noong tugatog ng People’s Power, isa akong graduating student sa UP Diliman kung saang napakaraming mga aktibistang mag-aaral. Naalala ko tuloy ang buhay kolehiyo. Pero ang isang paksa na gusto kong tutukin ay ang pakikitungo sa karahasan (violence). Tama ba ang pumatay ng tao para sa ikabubuti ng karamihan? Tama bang pumatay ng isang tao para mapigil ang pagpatay ng marami?

Pagkatapos ng pelikula at ng Q and A portion, nag hapunan kami ng aking mga kaibigan sa Roppongi. Tinanong ko sila. Wika ni John, “Kung ang sitwasyon ko ay tulad ng sa pelikula, wala na akong ibang mapagpipilian kundi pumatay at sumali sa rebelyon. Wala nang mawawala pa sa akin.” Si Alvin naman, “Kung ako ang nasa  karakter ng aktres, baka magawa ko rin na pumatay. Pero, personally, I wouldn’t because I choose peace.” Ani ni Ning-Ning, “Kowaii (nakakatakot) ang pumatay, pero kung hindi ko gagawin, walang magiging pagbabago sa lipunan.”  Pawang mga Pilipino ang sumagot at hindi pa rin ako masiyahan sa mga sagot kaya tinawagan ko si Elena, na isang Haponesa, ngunit ganoon din ang sagot niya.

Parang naalala ko yung kasabihan sa Ingles, ang pilosopiya ni Machiavelli: “The end justifies the means.” Kahit masama man ang paraan, basta’t mabuti ang kahihinatnan. Tama lang ba na patayin ang mga masasamang tao para sa ikabubuti ng madlang tao? Kahit sa panahon ng digmaan, walang masama sa pagpatay ng mga taong nasa kabilang panig. “Thou shall not kill.” Pinagbabawal ng Diyos ang pumatay? Pero tingnan mo ang Lumang Tipan ng Bibliya, napakaraming patayan.

Isip pa rin ako ng isip. Tunay bang nakatulong ang pagpatay ng masasamang tao? Nagkaroon ba talaga ng pagbabago? Ang mga problema at korapsiyon noon, nalutas ba ng rebelyon at People Power revolution? Nakatikim ba tayo ng solusyon sa mga problema? Konting kaginhawaan? Yung mga masasamang nakaupo noon sa politika, parang nan diyan na naman yata sila.
Para sa akin, naniniwala ako kay Mahatma Gandhi sa

No comments:

Post a Comment