Wednesday, January 29, 2014

Abie Principe

Shoganai: Gaijin Life
Huwag Ma-Stress!
Best Advice Ever!




September-October 2013

Isang beses pumasok ako sa work, handang-handa mag trabaho, at sa araw na yon marami talaga akong kailangang tapusin.

So, dumating ako sa office, upo sa desk at binuksan ko ang aking bag. Laking gulat ko dahil pag bukas ko ng bag ko, wala yung file na kailangan ko! Shocked and annoyed and panicked, in a span of a few seconds, naramdaman ko lahat yan. Pero naisip ko, to take a step back, and calm down. In that short moment, I realized na pwede naman na gumawa na lang muna ng ibang work. It may not have been my original plan, pero marami naman puwedeng gawin, minsan nakakalimutan natin ito dahil nauuna ang stress o inis o galit dahil hindi magawa ang unang plano. Pero nung araw na yun, somehow, hindi nauna ang stress, kundi nauna ang idea na meron naman ibang pwedeng gawin. At the end of the day, I was able get quite a lot of work done.

Lesson learned: Walang maitutulong ang stress. Hindi nakakatulong sa gawaing pang-araw-araw kung stress ang uunahin. Minsan kailangan natin huminga ng malalim, take a step back, and in a clear-minded way tignan ang mga options.
Sometimes, we are so wrapped up in schedules, meetings, papers, work in general, na nakakalimutan natin na tayo ay may kakayahan na baguhin ang ating schedule, na hindi tayo nakatali sa iisang paraan lamang. Maraming mga tao, baka ang ilan sa inyo ganito rin, na kailangang in-control palagi. Everything must go according to plan. Hindi ko ikakaila na kapag in-control, marami nga ang na a-accomplish, at natatapos, hindi masamang bagay ito. Pero kapag minsan merong gumulo sa plano, or hindi matuloy na usapan, or makalimutan ang isang file, sabog na! Pasok na agad ang stress, nagagalit na sa lahat, pati sa sarili. Sira na ang concentration at hindi na masunod ang plano, at dahil sa hindi masunod ang plano, lalong nakakadagdag sa stress. Vicious cycle di po ba?
Kaya mula sa isang maliit na bagay, tulad ng naka-limutang file, lalaki ito sa isang project na hindi natapos. But if you just take a step back, makikita ninyo na meron naman ibang pwedeng gawin, that would be just as productive as the original plan. Kailangan natin ng flexible outlook, at kakayahang magbago ng plano na hindi ma-stress. Parang madaling gawin, pero kung mapapansin ninyo, default na sa atin ang stress. Kahit ano na lang nakaka-stress, late na tren, nahuli yung bus, umulan, umaraw, mainit, malamig, lahat na lang talaga. Nakakatawa hindi ba? Pero totoo.

So, kailangan natin ng flexibility, open mindedness, at abilidad na mag-adjust. Kung gusto nating humaba ang buhay natin, we need to be less stressed, more happy. Kaya po ba ninyo?

No comments:

Post a Comment