Wednesday, January 29, 2014

Renaliza Rogers

SA  TABI  LANG  PO
Dos Mil Katorse




January-February 2014

Heto na naman ako, nagsusulat ng aking annual start of the year article. Parang kahapon lang ako nagsulat ng aking year ender article eh, tapos ngayon, heto na naman? Ambilis talaga ng panahon! Biruin mo, isang buong taon na pala ang nakalipas? Palagi kong iniisip na nung kamakailan lang kami nag paputok ng new year, tapos ngayon, new year ulit. Ganun kabilis!

According sa "relativity theory" daw ni Einstein, in simple terms, "When you sit beside a handsome man/pretty woman for one hour, it feels like a minute. But if you sit on a hot stove for one minute, it feels like one hour!" Ika nga nila, napakabagal ng panahon kapag meron kang hinihintay o masyado kang bored sa buhay at hindi mo gusto ang mga nangyayari. Pero napakabilis naman nito kapag masaya ka o nag eenjoy sa iyong time. So it goes without saying na naging masaya ako sa taong nakalipas kaya siguro napakabilis.

Four to five years ago, naaalala ko, napakabagal ng panahon para sa akin kasi andami kong hinihintay at wala akong nagagawang productive sa buhay. Hindi ako nag eenjoy at wala ako masyadong kaibigan. Nag ce-celebrate ako ng pasko at bagong taon nang may inaabangan. Last year, abala ako sa trabaho at masasabi kong maganda at masaya ang takbo ng buhay ko. Ang taong 2013 ay naging mabuti sa akin at parang hangin lang itong biglang mag-gu-goodbye at welcome 2014 na kaagad.

Traditionally, gagawa na naman ako ng aking mga new year's resolution at tulad ng dati, ang aking number one resolution ay ang mag diet o magpapayat. Siguro, simula nung ako'y magdalaga at nagsimulang magka-crush at maging conscious sa aking body figure ay ang pagda-diet na ang aking naging yearly resolution. So, pagpalagay na natin, 10 years ko na itong new year's resolution at 10 years ko na rin itong hindi tinutupad. Siguro nga many more years to come akong magiging consistent sa aking yearly #1 resolution hanggang sa ako'y kumasya sa size 30 na pantalon.

Ang aking number 2 resolution this year ay medyo iba na. Wala naman talaga akong #2 resolution noon eh pero ngayon meron na at ito ay ang mag-ipon ng pera. Siguro eto, mas mahirap kesa sa aking #1 dahil sa aking kakarampot na sweldo, araw-araw na mga gastusin at sa aking "gastador" personality. Tulad ng pagpapapayat, ang hirap gawin! Sa pagda-diet, sariling appetite mo ang kalaban mo at ang hirap hindi-an ng sarili mong kumain! Animal lover ako at ang aking appetite ay parang isang napaka-cute na tuta na humihingi ng pagkain. Tinititigan ako nito with its puppy dog eyes at nagpapaawang mukha. Ang hirap nitong tiisin at wala akong magawa kundi hagisan ito ng pagkain. Ang pag-iipon naman ay naiiba. Pagkatanggap ko ng pera ay sasabihin kong 2/3 lang gagastusin ko at itatabi ang 1/3. Okay na sana, kaso biglang may susulpot na gastusin na hindi ko pinlano. Biglang may babayarang bill na hindi ko naalala. Biglang may kailangan akong bilhin dahil naubos. At biglang kailangan ko nang gastusin ang aking itinabing pera sabay sabing, "Sige, sa susunod na sweldo na lang ako mag-iipon." Pero ganun pa rin. Nagiging cycle na ito.

Ewan ko ba kung ano ang problema at bakit hindi ko magawa ang aking mga resolutions. Dahil ba unrealistic ang mga ito? Hindi naman eh. Napaka-realistic nga ng mga ito at andami-daming mga tao na nagawa na ang mga ito with much success. Dahil ba wala itong mga kwenta? Not true. May kwenta ang mga ito dahil ang pagda-diet ay mabuti para sa kalusugan at ang pag-iipon ay paghahanda para sa sariling kinabukasan. O baka naman dahil kulang lang ako sa determination at discipline?

Siguro nga kulang lang ako sa pagpupursiging matupad ang aking mga pinangako sa aking sarili. Tamad kasi ako minsan eh. Okay, hindi minsan pero palagi akong tinatamad. Para ngang naging resolution ko na rin ang "bawasan ang pagiging tamad" eh pero ibang topic na yun. This year, priorities first na kaya pagpapalitin ko na ang order ng aking resolutions. Ang aking #1 ay ang mag-ipon at ang aking #2 ay ang mag-diet. At sa #3 ay ang disiplina sa sarili upang maisakatuparan ang dalawang nauna.

Wish ko for this year, maging kasing bilis ng 2013 ang taong 2014 para isa lang ang ibig sabihin nito: naging masaya ako sa buhay at nag-enjoy kahit papano. Yun nga lang gusto ko, mas marami akong ma-accomplish this year at mas marami akong magagandang experiences na maranasan. Saka na rin, of course, yung generic at routine wishes na kalusugan para sa aking pamilya at mga minamahal, kasiyahan at kaginhawaan para sa aming lahat. Sana makayanan namin lahat ng pagsubok at syempre, world peace (at sana po, maka-recover na ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda). So, hayan na ang aking New Year resolutions and wishes. And to celebrate the new year and new promises, makabili nga ng cake pang dessert...

No comments:

Post a Comment