Shoganai: Gaijin Life
Of Mice and Minions
November-December 2013
Minsan ba napapansin ninyo na maraming nahuhumaling sa mga “new items?” Tulad nung nakaraang buwan, pinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang Despicable Me 2, at kasabay nito nilabas ng isang popular na fast food chain ang mga laruan ng nakakatuwang characters na Minions. At ang bilis naubos nito sa Pinas! Mayroon pa ngang mga tao na bimibili sa fast food chain bagama’t hindi naman sila mahilig sa fast food. Gusto lang nila yung laruan! Nakakatuwa di po ba? Teka, baka naman isa ka sa mga taong iyon? Friends tayo! Ako, sa totoo lang, gusto ko rin nung mga Minions sa Pilipinas, pero nung huling uwi ko, hindi na showing sa sinehan ang Despicable Me 2, at sold out na ang lahat ng Minions. Kainis!
Pero, nung bumalik ako sa Japan, aba, ipapalabas pa lang ang Despicable Me 2, at, merong mga Minions available sa fast food chain! Nakuha ang lahat ng Minions, apat lang naman ang Japan release. Pito yata yung sa Pilipinas. Ngayon, naghahanap ako ng paraan para makakuha nung ibang Minions. Networking and connections, pinapaandar.
Teka nga, bakit naman ako tuwang-tuwa sa Minions? E mga plastic toys lang ito, like any other plastic toys na nakukuha sa iba’t-ibang set meals, sa iba’t-ibang fast food chains. What’s the big deal about Minions? Ay bakit parang ang dami rin na natutuwa sa Minions?
Sa tingin ko, isang manifestation ito ng tinatawag na “fad mentality” ng maraming tao. Pag merong bagong “fad” or bagong nau-uso sa karamihan, lahat ay gusto rin ito. Hindi lang naman mga Pilipino ang meron fad mentality, ang mga Hapon rin. Kung minsan nga medyo mas grabe ang mga Hapon. Andyan ang pumipila ng tatlong araw para mauna lang sa isang bagong telepono, andyan ang nauubos ang mga saging sa supermarket kasi magaling daw ito sa diet, at andyan rin ang sobrang siksikan sa mga bagong bukas na lugar pasyalan dahil sinabi sa TV maganda daw rito. Basta merong fad, lahat halos nakikisali! Ang tawag nila dito ay “boom,” tulad ng “Banana diet boom.”
Bakit nga ba mahilig makisali sa mga “boom” ang mga Hapon, at paminsan rin, pati mga Pilipino? Maaring isang paraan ito na nagpapakita ng pagiging myembro sa isang grupo, nagkakaroon ng pagkakaisa o camaraderie ang mga taong sumasali sa mga fads. Ang pagkakaroon ng common ground, o common interest ay nagbubuklod sa mga tao, nagkakaroon ng sense of belonging. Ito ay isa lamang personal theory, pero kaya siguro mas matindi ang pag sunod sa fads or “booms” sa Japan kaysa sa Pilipinas, ay dahil sa mas merong need to belong ang mga Hapon kaysa sa mga Pilipino. Ang mga Hapon mabilis sumunod sa fads, matiyaga pumila ng pagkahabahaba para lang sa isang pirasong mocha, at napakapatient na maghintay para lamang sa isang bagong gadget. Tayong mga Pilipino, hindi gaanong mabilis sumunod sa fads, at maraming hindi matiyaga sa mga paghintay at pagpila. Pero pa minsanminsan, tinatamaan din tayo ng “fad fever,” tulad nung Minions, o di kaya yung mga gadgets na bago at uso. This only shows we are all human beings, na merong need to belong. Iba-iba levels lang nga. Pero lahat tayo natutuwa makipag-usap sa mga tao na nakiuso sa fads natin di ba? Kasi merong common ground, na nag-tri-trigger ng sense of belonging, at ito ay hinanap ng lahat ng tao, kahit ano pa man ang nationality.
Ang Of Mice and Men ay sinulat ni John Steinbeck, at binasa ko nung high school student ako, para sa isang book report. Naalala ko na isa sa mga mensahe ng librong ito ay ang lahat ng tao merong loneliness na nararamdaman, at napupunuan itong loneliness na ito sa pamamagitan ng human interaction. Noong 1937, kung kailan sinulat yung libro, at hanggang ngayon, importante sa lahat ang human interaction. Siguro ang fads, crazes at booms, ay mga modernong paraan upang magkipag-interact tayo sa isa’t-isa. Common ideas (May bago ka nang phone? Pareho tayo!), common words (Wow, may Minions ka rin, Japan release ba ayan o Philippines?), common ground (Balita nga namin maganda doon, tara punta tayo next week!), equals human interaction, isang bagay na hinanap ng lahat, mapa-Hapon man, o Pilipino.
No comments:
Post a Comment